Monday, April 30, 2012

Time ~

Yes. I have come to consciousness. I've decided what I want and I'll go for it. Just like what I should have been doing ever since.

Little by little I'll make a good grasp, for sure time and patience will work with me, if I seal this contract.

I am not going to let you press me. 'Cause this is not right. 'Cause this is not how it's supposed to be. I am not going to let you disrespect me. Shame on you that you did it once, but shame on me if I let you do it again.

I have been travelling in this same old spot just so you know. And I know how it feels to be invisible, to kneel down and beg and receive nothing, I know how it feels to be nothing at all.

Don't you dare, just don't you dare. I have never in my conscious life ever been that clumsy and careless. I do not deserve to be mistreated by anyone.

Til then I have decided. I am going to live! I am going to spend what I have. I am going to do what I want and go where I want and splurge with the time I have. I am going to live my life for me and I am going to make me happy with everything I see, everything I do, and everyone I spend my precious life with!

I have been working too hard for the future. A future I am not certain of. I cannot let this erase what I can enjoy at my present. Why did I even let it try.

There is more that I can offer. There is more that I can give. I can give you what your money cannot buy. I can make you feel better than life. But if all this does not suffice, then forgive me I cannot bother to waste any more time.

I am not going to let you reign because I am supposed to be my own queen. I've been a slave for some time now and I refuse to be sullied by you and your big air balloon. It is time for fairness. And fairness is going to start right here within me. It is time for balance. It is time that I give time to me.

Let all this take effect immediately. So mote it be.

Sunday, April 15, 2012

Hangganan.. - Ika-9 ng Abril 2012

Minsan kailangan mong subukan ang isang tao kung hanggang saan ka niya kayang tiisin, kung hanggang saan ka niya kayang intindihin, kung hanggang saan ka niya kayang mahalin. Hindi naman madali ang gawin 'yon. Mas mahirap pa nga siguro ang malaman mo na hindi ka niya kayang ipaglaban hanggang sa huli.

Gustuhin ko mang hindi na isulat ito, somehow kailangan kong mailabas ito sa dibdib ko. Ang hirap magpakatotoo minsan..lalo pa kung alam mo kung ano ang pwedeng masira dahil dito. Tinatanong ko ang sarili ko minsan..kung ako kaya, naging kagaya niya, kami pa kaya hanggang ngayon? Pwede, pwede ring hindi. Ang dami kong reklamo sa isip ko ngayon. Sa totoo lang nasasaktan naman ako eh. Kaya lang gusto ko siyang intindihin. Gusto ko siyang lumigaya sa mundo niya. Gusto ko rin maintindihan kung paano niya pinatatakbo ang pagsasama namin sa isip niya. Ang kaligayahan niya, kasama kaya ako dun? Kasama kaya ako sa mga plano niya? Kasama kaya ako sa mga pangarap niya? O ang lahat ng ito ba ay kailangan ko nang ipagparaya..?

Maraming beses na nga siguro akong naging ganito. Inisip ko na rin na may topak lang ako. Siguro nga, kailangan ko pang mahalin ang sarili ko. Pero hindi lang naman iyon eh.. nararamdaman ko.. limitado pa nga ang halaga ko para sa kanya. Kung mawawala ako sa kanya, hindi nga niya siguro ikakatakot iyon. Ganon ka-bukas ang isip niya sa mga bagay. At sa dami ng ginagawa niya sa buhay niya, minsan pakiramdam ko nakakalimutan niya ako. Sa dami ng taong nakakasalamuha niya sa buhay niya, saan kaya ang lugar ko dun? Ayoko mang makipag-agawan ng atensiyon, gusto ko sa lahat ng gagawin niya, dun siya masaya, at iyon ay gusto niyang talaga. At ang masakit lang.. ay nakikita ko na ang sagot sa mga tanong ko, umaasa pa rin ako.. nararamdaman ko nang hindi na mangyayari ang mga pangarap ko, eh nandito pa rin ako..

Sana lang..makahanap ako ng lakas. Yung sapat para hindi na ako masaktan kahit ano pang mangyari. Sana dumating yung araw na hindi na ako mahirapang tanggapin na lahat ng bagay ay may katapusan. Tanggapin na kahit pag-ibig ay may hangganan..