Sunday, August 07, 2011

"Best You Never Had"

After all the kimi-kimi tikang han ak pagskwela kunohay, heto at nakapagsulat nanaman ako. Sarap ng feeling! Lalo na at perfect timing sa mga pagkakataon na ako'y nag-iisa, err--not physically. You know it.

Matagal ko nang gustong isulat yung tungkol sa isang taong hanggang ngayon iba ang impact sa'twing nakikita ko ang pangalan niya sa facebook. Chos! Hindi ko lang maintindihan kung bakit suddenly naappear hiya hit picture at gustong ibalik ang ka-echusan...at kung ano man 'yung meron namin noon, iyon ay nakalipas na. Bakit kelangan niyang ipaalala sa'kin iyon? :(

Bakit kelangan niyang sumulpot ng pabigla-bigla out of nowhere at sasabihin pang gusto niyang mag-communicate. Ako ba ay chine-chenggay niya or what? Ngayon pa na hindi ko na iyon kelangan. Ngayon pa na hindi na ako nadadala sa mga ganong ek-ek na salita. Somehow, I was able to read you, Mr.. Get real. Huwag mong gawin sa akin ito kung hindi mo naman kayang panindigan.

Why in the world must I fly to his country anyway? Ano 'to, laro? Hehehe. Tsk. Ang mga lalaki talaga! Akala siguro nila napapa-ikot nila ako sa palad nila, well, kanya-kanyang laro tayo! Sa huli, talo ang di na magreply! Hahaha..

Ang saya ko naman na ako'y naalala niya. Kaya lang, it's too good to be true, like hello? So I just popped into your mind and your thoughts and you found yourself thinking of the memories and all that? Hmm..oh please..I know you're poetic, but I'm not stupid. :/ Ganon lang? Then you tell me pretty words that could've made me say 'awwhh' plus the :) after it - LOL - apparently I was more of a :-O ! And ?... geeze.

Itago mo na lang yung awit na binigay ko para sa iyo. Hanggang ngayon naman ikaw ang naaalala ko sa awit na iyan. At kung gusto mong manatili ang communication natin gaya ng sabi mo, okay lang, huwag mo lang akong puno-in ng mga ka-echusan mo. 'Coz I won't believe it anyway. Besides, may iba na akong gusto, at oo mahal ko siya. Sana maging masaya na lang tayo sa mga relationships natin, diba? Char.

Masaya na ako, sana ganon ka na lang din. :) Huwag mo na lang lituhin ang isip ko. Kung pwede ko lang sanang sabihin iyan sa kanya at unahan ang pagkakataon; kaya lang ang feeler ko naman siguro niyan. Bahala na si batman. Hindi ko rin naman maitatanggi na masaya ako't dumaan siya sa buhay ko; siya ang naging daan sa lahat ng malaking pagbabago na gumuhit sa buhay ko, kaya, isa siyang taong hindi ko malilimutan kahit papaano. At alam niya iyon...kaya ako ngayon...ay sasakay sa agos ng ilog...

Click here -> Best You Never Had